Gerald Anderson denies breakup rumor about him and Julia Barretto
Gerald Anderson addresses brekup rumor about him and girlfriend Julia Barretto: “Actually, ganyan sa showbiz. Inuunahan ka nila. And then, dun yung basehan. Naka-unfollow ka ba? Nandun ba yung pictures, wala yung pictures. Nakakalungkot na yun na yung basehan, ano?”
PHOTO/S: Toni Gonzaga Studio YouTube / Instagram
Pinabulaanan ni Gerald Anderson, 36, ang balitang break na sila ng girlfriend niyang si Julia Barretto, 28.
“No, we’re okay,” mabilis na sagot ni Gerald sa panayam niya sa Toni Talks na in-upload sa YouTube kahapon, June 1, 2025.
Pagbabahagi pa ng Kapamilya actor, “Kanina hinatid ko siya sa airport. Pupunta sila sa Dubai, kaya nga napaaga ako.”
Itinanggi rin ni Gerald na nag-delete siya ng mga larawan nila ni Julia sa kanyang Instagram account, na naging basehan ng balitang break na sila.
Saad niya: “Actually, ganyan sa showbiz. Inuunahan ka nila.
“And then, dun yung basehan. Naka-unfollow ka ba? Nandun ba yung pictures, wala yung pictures.
“Nakakalungkot na yun na yung basehan, ano?”
Nauna nang pinabulaanan ng kampo ni Julia ang breakup rumor sa pamamagitan ng ulat ng Cabinet Files na nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 27, 2025.
FIVE-YEAR RELATIONSHIP WITH JULIA
Five years na ang relasyon nina Gerald at Julia.
Paano ikukumpara ng aktor ang relasyon nila ni Julia sa kanyang past relationships?
“Siguro, for one, it’s deeper,” sagot niya.
“Seven years ata ang agwat namin, but si Julia is very mapagmahal. Very motherly.
“Manang-mana siya kay Tita Marj, sa mommy niya. Super.”
Si Julia ay anak ni Marjorie Barretto sa dati nitong asawang si Dennis Padilla.
Nai-inspire daw si Gerald sa kasintahan.
Pahayag niya: “Yung values na meron siya, yung love na binibigay niya, yung support na binibigay niya, it inspires me to just be better and give her 100 percent, yung best version ko.”
Nasa stage na ba siyang gusto na niyang lumagay sa tahimik?
“Of course. Thirty-six na ako. Kailangan ko na ng anak,” sagot ni Gerald.
Humihingi na ba ng apo ang kanyang mga magulang?
“Mas dad ko,” sabi ng aktor.
“Siyempre, gusto ko rin mabigyan ang dad ko kasi 76 na ang daddy ko, e.
CONTINUE READING BELOW ↓
AC Bonifacio: “People are so harsh…” | PEP Spotlight
ng-gusto niya si Julia, parang
GERALD ANDERSON ON HIS PAST RELATIONSHIPS
Binalikan din ni Gerald ang mga dati niyang relasyon.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ayon sa aktor, hindi maiwasang mahulog ang isang artista sa kapareha nito dahil kasama sa trabaho ang paniwalain ang mga manonood na in love sila sa isa’t isa.
“Siyempre, binibigay mo yung best mo sa work mo,” paliwanag niya.
“E, yung work mo, dapat nai-in love ka rin sa character na yan.
“And then si Girl naman, e, maayos at ka-in love-in love din.”
Kabilang sa mga naging katrabaho ni Gerald na naging karelasyon niya ay sina Kim Chiu at Bea Alonzo.
Naging masalimuot ang past relationships na ito ng aktor, na humantong sa madramang hiwalayan.
Kaugnay nito, inakusahan ng publiko si Gerald na hindi raw loyal sa relasyon.
Itinanggi ito ng Kapamilya actor.
“Hindi ka nag-cheat?” diretsahang tanong sa kanya ni Toni Gonzaga.
“No,” mariing sagot ni Gerald.
Sabi pa niya, “Basta pag naririnig na nag-break ka, or wala na kayo, there has to be a reason. Hindi puwede na hindi lang kayo para sa isa’t isa.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Pero inamin ni Gerald na may mga panahong natukso siya.
“Aaminin ko, it’s almost impossible, especially sa work natin, sa environment natin, sa situations natin, na hindi ka mapo-fall sa temptation, especially at a young age.
“And everything is binabato na lang sa yo lahat. It’s very hard to not fall into that,” sabi niya.
Looking back, wala raw regrets si Gerald sa kanyang past relationships kahit hindi naging maganda ang pagtatapos ng mga iyon.
“Never akong nagkaroon ng regret kasi happy ako sa mga time na yan, e.
“Alam ko naman yung nangyari…
“At the end of the day, naging failure ako because nag-fail yung relationship ko,” pahayag niya.
Inako rin ni Gerald ang pagkukulang niya sa mga nagdaang relasyon.
“It was more on my part,” pag-amin niya.
“And more on sana mas hinandle ko nang mas maayos.
“All I can say is, I could have been a better person, a better partner.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“I should have been better sa process na yun.”
Naging problema raw ni Gerald na mas nag-focus siya sa kanyang public image.
Aniya: “Dami ko ring gustong gawin. Selfish reasons.
“Mas importante sa akin yung trabaho ko, mas importante sa akin yung image ko.
“And then yun pala yung pinakatinamaan, yung career ko, yung image ko.
“Kasi yun lang yung focus ko instead of the feeling nung mga kasama ko.”
GERALD ALMOST QUIT SHOWBIZ AMID GHOSTING ISSUE
Kaugnay nito, ibinahagi ni Gerald na muntik na siyang mag-quit sa showbiz limang taon na ang nakalilipas.
Noong panahong iyon ay kasagsagan ng “ghosting” issue nila ng dating kasintahan na si Bea Alonzo.
Saad niya: “Parang, ‘Wow, pinaghirapan ko itong career na ito for how many years, I gave everything. And then, just like that?’
“Because I failed in my relationship. I could have been very bitter.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Bakit hindi siya nag-quit?
Pag-amin ni Gerald: “Kailangan ko pa ring bigyan ng allowance yung nanay ko, e.
“Hindi ko naman mapapakain yung pamilya ko sa negative comments nila, di ba?
“At saka anong klaseng tao ako pag nag-quit ako?”
Naging silver lining daw kay Gerald ang desisyon niyang i-establish ang sarili sa labas ng showbiz.
“Dun ako nag-decide na I’m gonna focus on building something outside the industry, like business, mga sports advocacy ko,” aniya.
Masaya rin daw siyang nakakatulong sa ibang tao.
“Even with my small business, nakakapagbigay ako ng trabaho. Parang ibang fulfillment din yun,” sabi ni Gerald.
News
😱 “Shocking Family FEUD? Ruffa Gutierrez BLASTS Barbie Connection in Explosive Sibling Clash
Ruffa Gutierrez Isiniwalat Naguguluhan Sa Relasyon Nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial Biyernes, Hunyo 13, 2025 Agad na naging usap-usapan…
“What Really Happened to Freddie Aguilar’s Inherited Home? Megan’s Quiet Move Sparks Fan Outrage, Hidden Deal Now Exposed!”
MEGAN ADMITS THE TRUTH: “I Was the Reason Freddie Disappeared” — A Nation Demands Answers MANILA, Philippines — In a…
No one saw it coming: Red Sternberg is preparing to step back into the spotlight after years of silence, with a major deal that could completely turn his career around – Michael Flores speaks out for the first time! ‘I’m not coming back to play – I’m coming back to win!’ Red Sternberg declares with confidence.”
Michael Flores reveals Red Sternberg’s plan for showbiz comeback Michael Flores heartbroken over Red Sternberg’s death. Michael Flores (right) on…
Did She Just Meet the In-Laws? Bea Alonzo Spotted Getting Cozy with Vincent Co’s Famil
Bea Alonzo spotted with mom of rumored beau Vincent Co Bea attended an event with Vincent and his family. Ikinatuwa…
My Name Wasn’t in the Will… But What He Left Me Was Priceless” — Maegan Aguilar Uncovers Freddie’s Final Gift 💔✨ “He didn’t leave me money. He left me the truth… and that changed everything.”
“My Name Wasn’t in the Will… But What He Left Me Was Priceless” — Maegan Aguilar Explores Freddie’s Final Gift…
Rey PJ Abellana cries foul after Carla Abellana, ex-wife’s interview about cheating
Rey PJ Abellana Speaks Out After Carla Abellana and Ex-Wife Rea Reyes’ Interview About Alleged Cheating MANILA, Philippines — Veteran…
End of content
No more pages to load